Sagot :
KATANGIAN NG SINAUNANG NAMUMUNO
Sinocentrism - Ang kanyang pamumuno ay may mandate of heaven o pahintulot o basbas ng langit. Ang emperador ay may malaking responsibilidad sa pagpapanatili ng kaayusan.Kapag hindi niya nagampanan ang kaniyan mga tungkulin at siya ay naging mapang-abuso at masama, ang kayang pagiging emperador ay babawiin ng kalangitan at igagawad sa susunod na taong puspos ng kabutihan.
Divine Origin --- Taliwas sa paniniwalang Tsino, hindi naniniwala ang mga Hapones sa mandate of heaven. Dahil dito, ang kanilang emperador ay hindi maaaring palitan o tanggalin sa katungkulan.Bagama’t sa kasalukuyang panahon ay hindi na itinuturing na diyos ang kanilang emperador, ang mga Hapones ay may mataas pa rin na pagtingin sa kaniya. Lubos pa rin ang paggalang at pagmamahal nila rito.
Devaraja --- Sa India, ang kinikilalang diyos ay nagmula at nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng diyos ng buwan, apoy, hangin, tubig, kayamanan, at kamatayan. Kinilala siya bilang pinakamataas at walang kapantay dahil hindi lamang iisang diyos ang kaniyang taglay. Ang tawag sa kanya ay devaraja.
Cakravartin--- Sa Hinduism at Buddhism, ang hari ay kinilala bilang cakravartin o hari ng sansinukob. Ang natatanging haring ito ay may pangakong mamuno nang makatuwiran at mapagkalinga sa mga mamamayan at kanilang relihiyon.