Ano ang nakakatulong sa mabilis na paglaki ng palay

Sagot :

Maraming mga salik ang isinaalang-alang sa pagtatanim o pagpapalaki ng mga palay o palayan. Una, kailangan ng tamang pagpaplano at budget upang mapaghandaan ang balak na pagtatanim. Kailangan ding ihanda ang lupa upang maging angkop ito para sa pagtatanim. Maaari itong araruhin, suyurin o kaya'y patagin upang lumambot. Huwag ding kalimutang ihanda ang mga binhing ipupunla. Isa sa pinaka-nakakatulong sa mabilis na paglaki ng palay ay ang pagbibigay ng tama at angkop na abono ng pananim sapagkat hindi nakukuha sa lupa ang lahat ng nutrisyon na dapat ay taglayin ng mga pananim kaya't kinailangan nito ng abono lalo na ang mga organic gaya ng dumi ng mga hayop.