Ang pagpili ng
pangangailangan ay nakabatay sa kung ano ang pinakapangunahing
pangangailangan ng isang tao. Ito ay ang mga pangangailangan kung saan
nakasalalay ang buhay ng tao.
Ang pangangailangan ang mga bagay na dapat na mayroon ang tao tulad ng pagkain, damit, tirahan upang mabuhay.
Ang pagtugon sa pangangailangan
ng tao ang nagtatakda ng kung anong mga produkto at serbisyo ang
gagawin. Isa sa mga pamantayan ng pagpili ng pangangailangan ng tao ay ang pinakapangunahing kailangan sa araw-araw.