Katulad ng ibang uri ng likas
na yaman, ang yamang dagat sa Timog Silangang Asya ay nakapagbibigay
rin ng hanapbuhay sa maraming mamamayan, nagbibigay din ito ng
pang-araw-araw na pinagkukunan ng pagkain ng mga mamamayan. Ito rin ang nagpapaunlad
ng turismo ng lugar kaya't umuunlad din ang ekonomiya nito.. Ang aspetong
pangkabuhayan at pang-ekonomiya ang isa sa pinakamalaking ambag na
naibigay ng mga yamang dagat para sa kaunlaran ng Timog-Silangang
Asya.