isa isahin ang salitang naglalarawan sa kultura batay sa bawat panahon

Sagot :

Tuklasin ang mga salitang naglalarawan sa kultura batay sa bawat panahon

Panahon ng Bato

-Panahon ng Lumang Bato o Paleolitiko 
              - Ang salitang maaaring ilarawan sa kultura ng sinaunang tao sa panahon ng lumang bato ay payak o simple sapagkat pagala-gala pa ang mga tao sa panahong ito. Tanging pangangaso ang kanilang alam gawin gamit ang kanilang kamay. 

Panahong Mesolitiko
       Ang kultura sa panahong ito ay medyo umuunlad na sapagkat natuto na silang gumawa at gumamit ng mga kasangkapang kahoy, gumagawa na din sila ng sandata tulad ng busog kaya't hindi na ito ganun kasimple ng Panahon ng Lumang Bato. 

Panahon ng Bagong Bato o Neolitiko
      Ang kultura sa panahong ito ay higit na maunlad kung ihahambing sa mga naunang panahon sapagkat natuto ng magsaka at mayroon ng permanenteng tirahan ang mga tao. Nagsimula rin dito ang sistemang barter o pagpapalitan ng produkto ng mga katutubo.

Panahon ng Metal

Panahon ng Tanso
      Ang kultura sa panahon ng tanso ay medyo kakaiba na sa mga naunang panahon. Ito ang simula ng paggamit ng metal ng mga tao. Hinuhulma nila ang metal ayon sa gusto nilang ihulma. 

Panahon ng Bronse
        Ang kultura sa panahon nito ay medyo naging sopistikado na sapagkat marunong na silang maghalo o magtimpla ng mga elemento gaya ng tansa at lata upang gawing armas gaya ng espada, palako, punyal at iba pa. Mas lumakas ang kalakalan kaya't umusbong ang napakaraming mga bayan.

Panahon ng Bakal
    Ang kultura sa panahon nito higit na maunlad sapagkat dito nagsimulang mag-imbento ng mga makina ang mga tao dahilan upang lumakas ang industriyalisasyon sa bansa. Ito ang simula ng modernong panahon.