anong uri ng sanaysay ang kay estella zeehandelaar ? patunayan

Sagot :

Answer:

Ang sanaysay ay may mga  uri rin. Ito ay ang

1.  pormal

2.  di- pormal

  • Impersonal ang tawag sa ibang aklat sa sanaysay na pormal. Naghahatid ito ng  mahahalagang kaalaman o impormasyon, kaisipang makaagham, at lohikal na pagkakasunod- sunod ng mga ideya. Maingat na pinipili ang mga salita at maanyo ang pagkakasulat. Maaari itong maging makahulugan, matalinhaga, matayutay. Ang tono ng pormal na sanaysay ay seryoso at di nagbibiro.
  • Samantalang sa di- pormal na sanaysay , nagbibigay ito ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan at pang-araw -araw na paksa. pamilyar ang ganitong uri ng sanaysay. Gumagamit  ng mga salitang sinasambit sa araw-araw na pakikipag-usap . Palakaibigan ang tono sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may akda  ang pananaw na ito.

Ang  uri ng sanaysay ang kay estella zeehandelaar  ay isang pormal  na sanaysay sapagkat ang mga katagang ginagamit dito ay matalinhaga, matayutay at may pagkakasunod- sunod ng mga ideya.

Para sa karagdagang impormasyon buksan ang link na nasa ibaba

//brainly.ph/question/2212557

//brainly.ph/question/652433

//brainly.ph/question/886798