Ang tulang mapagpanuto
ay isang uri ng tula kung saan nagbibigay patnubay at aral sa mga
mambabasa.
Halimbawa:
Kung kaligayahan ay hanap
Dapat kang magsikap
Magsimula sa pag-aaral
Upang makapagtrabaho ng marangal
Magtrabaho ng tama
Ibigay ang lahat ng makakaya
Siguraduhing maging pantay sa kapwa
Upang bawat isa ay maligaya.
Ang kaligayahan ay simple lamang
Puso ay lagyan ng puwang
Para sa mga bagay na kulang
At simpleng kaligayahan ay ipagdiwang.