ano sa tingin mo ang mainam na solusyon kung paanong matutugunan ng likas na yaman ng isang bansa ang lumalaking dami ng populasyon nito gayong ang lupa naman ay hindi lumalaki?

Sagot :

Sa tingin ko isa sa pinakamainam na solusyon para matugunan ng likas na yaman ng isang bansa ang lumalaking populasyon  sa kabila ng hindi paglaki ng lupa ay ang maunlad at mataas na antas ng edukasyon para sa mga mamamayan.  Kapag kasi may pinag-aaralan ang mga tao ay madali na lamang silang makagawa at makaimbento ng mga stratehiya upang matugunan ng likas na yaman ng bansa ang lumalaki nitong pangangailangan. Kailangan din magkaroon ng tamang kaalaman ang mga tao upang magamit ng maayos ang mga likas na yaman upang hindi ito mapunta lamang sa wala kaya't lamang pa rin ang edukasyon bilang isa sa pinakamabisang solusyon sa ganitong suliranin.