Sagot :
Paano mo ilalarawan ang market economy?
Market Economy
Ang market economy ay ang mekanismo kung saan ang supply at demand ang nagdidikta sa produksyon ng mga produkto at ng serbisyo. Ang supply ay may kinalaman sa mga natural resources, kapital, at labor. Ang demand naman ay may kinalaman sa binibili ng mga konsyumer, negosyo, at gobyerno.
Mga Karakteristiks ng Market Economy
1. Pribadong Pag-aari
- Lahat ng kalakal at serbisyo ay mayroong pribadong pag-aari. Ang mga may-ari ay may karapatang bumili, magbenta, at magparenta ng kanilang pag-aari.
2. Kalayaan Pumili
- Ang mga may-ari ay may kalayaan upang gumawa, magbenta, at bumili ng mga kalakal at serbisyo sa isang mapagkumpitensyang merkado.
3. Motibo ng Self-Interest
- Sa pangkalahatan, ang mga kalakal ay binenenta sa pinakamataas na bidder ngunit nakikipagnegosayon para sa pinakamurang mabibili.
4. Kompetisyon
- Ang kompetisyon ay nagbibigay ng pressure sa magkakakopetensya na magsibaba ng presyo. Ang kompetisyon rin ay nagdudulot upang magkaroon ng quality at efficiency sa serbisyo at produkto.
5. Limitadong Pamamahala ng Gobyerno
- Hindi konokontrol ng gobyerno ang kakakalan upang masiguro na may kalayaan ang mga institusyon na magdesisyon upang sa ikabubuti ng lahat.
Learn more:
Paano mo ilalarawan ang market economy?
https://brainly.ph/question/178283
https://brainly.ph/question/385808
https://brainly.ph/question/376289