Bakit mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan

Sagot :

Mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan sapagkat ang pakikipagkalakalan ang isa sa pinakamagandang paraan o lugar upang makagawa ng ugnayan at relasyon sa iba't ibang tao mula sa iba't ibang lugar. Sa ganitong paraan, nabubuo ang isang pagsasanib at pagsasama ng iba't ibang paniniwala, tradisyon at pagpapahalaga kung kaya't mas lalo pang napapalawak at napapaunlad ang kabihasnan sa isang lugar kapag aktibo ang kalakalan dito.