ano ang sanhi at bunga ng polusyon sa tubig?

Sagot :

Ang polusyon sa tubig ay nangangahulugang karumihan o mga dumi na makikita sa anyong tubig. Maaari itong makasama sa ating kalusugan at magdulot ng kamatayan.

Ang ilan sa mga sanhi nito ay ang mga dumi na nanggagaling sa mga nakatira malapit dito, mga squatters. Gayundin ang maling paraan ng pangingisda sa pamamagitan ng dynamite fishing at iba pa. Pagtatapon ng mga basura dito. Mga kemikal na patagong itinatapon dito ng mga pabrika at mga kumpanya.

Dahil sa mga ito, ang anyong tubig ay namamatay. Ang mga isda at iba pang mga naninirahan dito ay naisasapanganib ang buhay. Maaaring mawala ang mga yamang tubig dahil dito. Gayundin ang kawalan ng malinis na tubig para inumin.