Ang command economy ay tumutukoy sa sistema ng ekonomiya kung saan ang mga kasangkapan at paraan ng produksyon ay pag-aari ng publiko ngunit pinamamahalaan ng isang sektor ng pamahalaan ang ekonomiya nito. Karaniwan itong tinataglay ng mga komunistang bansa gaya ng China, Cuba, North Korea at ang dating Soviet Union.