anu ang pangunahing kaisipan sa sanaysay na ningning at liwanag

Sagot :

Ningning at Liwanag

Sagot:

Ang Ningning at Liwanag ay isinulat ni Emilio Jacinto. Kung saan ipinahihiwatig niya ang kaibahan ng ningning na nakakabulag sa paningin at ang tunay na liwanag. Malalim ang pagsulat ng mga salita sa pahayag na ito. Sa kadahilanang, ito ay inangkop sa karanasan ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol. Ang may kapangyarihan ay higit na mas mataas sa mga tao, at hindi biro ang epekto ng yaman sa buhay.

Ang ningning ayon sa sanaysay:

  1. Ito ay maraya.
  2. Nakakasira sa paningin.
  3. Mapanlinlang na kintab.

At ang Liwanag naman ay:

  • Mahinhin
  • Tungo sa banal na landas.  
  • Katotohanan

Paliwanag:

Ang pangunahing paksa ng Ningning at Liwanag ay ang pagkapit ng tao sa mga bagay na makapagaangat sa kaniya. Importante ang ating paningin o pananaw, sapagkat sa mundong yari sa yamang materyal, mahirap ang mga tao. May nakasasama na liwanag, at may nakakabuti. Kung magpa sa hanggang ngayon ganito parin ang ating paningin/pananaw sa buhay. Tayo’y may mas malalang kalagayan kaysa pa sa isang bulag. Noong panahon ng Espanyol, marami ang tagong nagdusa. Mga taong nadamay ng kabulagan sa katotohanan. Hindi na nila hangad hanapin ang liwanag dahil nais na lang nila habulin ang ningning na unting unti nananakit sa kanila. Pero sa hindi kinalaunan, mayroong mga taong ipinaglaban ang pantay na distribusyon ng ningning at liwanag, at nagbunga ng ating kalayaan.

Para sa mga paksa tulad nito i-click ang mga link sa ibaba:

Ningning at liwanag buod: https://brainly.ph/question/1560790

Kaibahan ng liwanag at ningning: https://brainly.ph/question/1149480

Simbolismo sa ningning at liwanag: https://brainly.ph/question/342314