ano ang tawag sa pagpapangkat sa mga asyano


Sagot :

Answer:

PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO NG MGA ASYANO

Explanation:

PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO

Kahit syempre iisa lang ang kontinente ng Asya, hindi ito nangangahulugan na pare – parehas ang kanilang sinasalita, pinagmulan, at kultura. Kaya para kailangan ang pagpapangkat upang makita ang kanilang pagkakaiba at pagkakatulad sa iba.Ang totoo, walang talagang tuwirang katawagan sa pagpapangkat kung tungkol sa mga Asyano lamang. Ang Pangkat Etnolinggwistiko ay nangangahulugan ng pagpapangkat na binabatay sa etnisidad, wika, relihiyon, at kultura. Sa Asya, pangunahing batayan sa pagpapangakat ang WIKA at ETNISIDAD. Sa pamamagitan ng wika at etnisidad na meron sa isang bansa, nakikita ang kanilang mga pagkakaiba at pagkakatulad.  

WIKA

Ang Wika ang pangunahing dahilan ng pagiging iba ng isang lugar sa iba. Kahit nasa loob ng isang bansa, maaaring binubuo pa sila ng iba’t – ibang wika. Narito ang pangunahing dalawang uri ng wika:

              1. Tonal – ang kahulugan ng mga salita o pangungusap ay depende sa tono o pagkakasabi. (Halimbawa: Chinese)

             2. Non – Tonal – ang mga kahulugan ng mga salita o pangungusap ay hindi mababago kahit na mabago pa ang tono nito.  (Halimbawa: Khmer)

ETNISIDAD

Nangangahulugan ang Etnisidad ng pagiging kasapi base sa pinagmulan. Sangkot rin rito ang pagkakaroon ng mga kamag – anakan. Kaya maituturing kang kasapi ng isang etnisidad kung ikaw ay galling sa kanilang lahi.  

Sa Asya, makikita ang iba’t – ibang pangkat etnolinggwistiko dahil sa sari’t – saring wika at etnisidad, kahit sa isang bansa lamang. Masasalamin rin ito sa kanilang mga kultura o paraan ng pamumuhay.  

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa Pangkat Etnolinggwistiko, i – click lamang ang mga link na ito:

• https://brainly.ph/question/63700

• https://brainly.ph/question/380722

• https://brainly.ph/question/1690037