ano ang kahulugan ng pagninilay nilay?

Sagot :

Nilay Kahulugan

 Ang Nilay ay nangangahulugan ng magmuni, magkuro,magbulay, ito ay tumutukoy din sa pag-iisip ng mabuti ng isang tao kung ano ang mas mabuting gawin sa isang bagay o sitwasong kanyang kinakaharap o haharapin.  

Halimbawa sa pangungusap ng Nilay upang mas lubos itong maunawaan,

  1. Nag nilay si Ana tungkol sa kursong kanyang kukunin sa koleheyo sapagkat ang nais sana ng kanyang mga magulang ay maging nurse siya ngunit mas gusto naman niya ay maging isang guro.
  2. Nag nilay ang isang ina sapagkat nag dadalawang isip siya kung talaga bang iiwan niya ang kanyang mga anak upang magtrabaho siya sa ibang bansa.  
  3. Nag nilay si Ben kung sasabihin naba niya sa kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang tunay na karamdaman nag-aalala siya na baka pandirihan siya ng mga ito sapagkat ito ay nakakahawa.
  4. Nag nilang ang isang binata kung aaminin naba niya ang kanyang pag-ibig sa kanyang kaibigang dalaga,natatakot siya na baka ng dahil dun ay masira ang kanilang pag-kakaibigan.
  5. Nag nilay siya kung itutuloy paba niya ang pagpapakadalubhasa sa ibang bansa, gayong nakakapos na sa budget ang kanyan pamilya.

Ang pag nilay ay isinasagawa ginagawa ng isang tao upang siya ay makapag isip ng maayos sa mga pangyayari sa kanyang buhay,mainam din itong gawin ng isang tao na dumaranas ng kapighatian o mga suliranin sa buhay, sa iyong pag nilay mas mainam na humingi ka ng gabay sa ating panginoon upang,maging mas malinaw ang iyong isipan sa pag-iisip ng mga desisyong iyong gagawin.  

#BetterWithBrainly

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

Pagsusuri ng sarili o pagninilay https://brainly.ph/question/1633487