PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
Pangangailangan
- Ito ay Pangunahing Pangangailangan/Basic/ Primary Needs
- Mga bagay na mahalaga sa pananatili ng buhay ng tao:
Pagkain, Damit, Bahay at iba pang mga pangunahing bagay (necessities)
Teorya ng Pangangailangan ni Maslow: Hirarkiya ng mga Pangangailangan
Physiological Needs
Kabilang dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog
Safety Needs
Ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay. Kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay, pinagkukunang yaman, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at physiological, seguridad sa pamilya, at seguridad sa kalusugan.
Love / Belonging
Kabilang dito ang pakikipag-ugnayan sa general emotions, tulad ng pakikipagkaibigan, at pagkakaroon ng pamilya.
Esteem
Nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.
Actualization
Pinakamataas na antas sa hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.
Kagustuhan
- Wants/Secondary Needs
- Maaaring tugunan o hindi tugunan sapagkat hindi nakasalalay ang buhay ng tao dito.
- Panluhong Bagay (Luxuries)