anu ano ang mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig

Sagot :

Ang Pamilya ng Wika ay grupo ng mga wika na nauugnay dahil sa pagkakatulad ng pinanggalingang ninunong wika. Ang terminong ginagamit sa ninunong wika ay proto-language. Ginagamit ang salitang pamilya bilang paglarawan sa mga wika sapagkat ito ay naihahalintulad sa pamilya ng mga tao kung saan mayroong pinagmulan na mga magulang at patuloy na nadagdagan ng iba pang mga anak na naging sanhi ng paglaki ng isang pamilya.  

Ayon sa Etnologue, binubuo ng mahigit pitong libong mga wika ang buong mundo subalit ito ay nahahati sa 142 na grupo o pamilya ng mga wika. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng Pamilya ng Wika:  

  • Afro-Asiatic
  • Niger-Congo
  • Khoisan
  • Indo-European
  • Austonesian
  • Papuan  
  • American
  • Kra-Dai
  • Sign Langauge
  • Constructed Language

#BetterWithBrainly

Wika sa Pilipinas:

https://brainly.ph/question/1662272