Ano ang pagkakatulad ng melodrama sa iba pang anyo ng dula \

Sagot :

Ang pagkakatulad ng melodrama sa iba pang anyo ng dula

  1. Katulad ng ibang dula ang melodrama ay umiikot ang kwento sa mga tauhan nito.
  2. ito ay isa ring uri ng panitikan katulad ng ibang dula ito isang imitasyon o panggagagad ng buhay.
  3. Ang melodrama ay isa ring paraan ng pagkukwento kagaya ng ibang dula.
  4. kagaya ng ibang dula ang melodrama ay mayroong layunin na kapupulutan ng aral ng mga manonood.
  5. Kagaya ng ibang dula ang melodrama ay kapupulutan mo rin ng mga aral sa buhay.

Ang dula ay isang uri ng sining na mayroong layunin na magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng mga katawan at dayalogo. at ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay.

Mga sangkap ng tula

  • Tauhan

Ito ay tumutukoy sa mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula.

  • Tagpuan

ito ay tumutukoy sa panahon at pook kung saan nagaganap ang mga pangyayari.

  • Sulyap sa suliranin

Ito ang pagpapakilala sa suliranin ng kwento. Ang pagsasalungatan ng mga tauhan o di kaya naman ay ang problema o suliranin ng tauhan na sarili niyang gawa.

  • Saglit na kasiglahan

Ito ay tumutukoy sa saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.

  • Tunggalian

Ito ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan laban sa kanyang sarili o sa kanyang paligid, maaring magkaroon ng higit sa  i dalawang tunggalian.

  • Kasukdulan

ito ay tumutukoy kung saan ay nasusubok ang katatagan ng tauhan, sa tagpong ito, ito ang pinaka matindi at pinakamabugso ang damdamin

  • Kakalasan

ito ang unti unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian

  • Kalutasan

Dito nagwawakas ang mga suliranin sa tunggalian sa isang dula

Ang dula ay mayroon ding mga Elemento narito ang mga sumusunod

  • Ang banghay o iskrip
  • ang mga gumaganap
  • ang dayalogo
  • tanghalan
  • direktor o tagadihere
  • manonood
  • tema

buksan para sa karagdagang kaalaman

Ano ang mga bahagi ng dula na naglalarawan ng karaniwang pamumuhay? https://brainly.ph/question/246738

Kultura ng bansang pinagmulan ng uri ng panitikan sa dula https://brainly.ph/question/1893568

Ano ang mga elemento ng dula at ang paliwanag nito https://brainly.ph/question/399437