ano ang ibig sabihin ng bansa

Sagot :

Ang lugar ay maituturing na bansa kapag mayroon ito ng apat na elemento upang kilalanin itong bansa o estado.

1. Mamamayan o tao - sila ang nakatira sa isang bansa at nagbibigay ng kabuluhan dito bilang isang importanteng elemento

2. Teritoryo - ito ang lupa at tubig na maaring tinitirahan ng mga tao upang magkaroon ng hanapbuhay

3.  Pamahalaan - ito ang ang sangay o ahensiya ng tao na nagpapatupad ng mga batas at patakaran maging ang programa para sa mga tao at nasasakupan nito.

4. Soberanya - ang karapatan ng isang bansa na magpahayag at magpatupad ng patakaran at batas sa mga tao at nasasakupan nito


ito ang mga elemento na nagbibigay kahulugan sa isang bansa.

________________
Sana Makatulong ^_^.