Sagot :
Ang Ibig Sabihin ng Prinsipyo ng Solidarity at Prinsipyo ng Subsidiarity
Ang prinsipyo ng solidarity ay tinatawag ding prinsipyo ng pagkakaisa. Sa prinsipyo na ito, kung ano ang gusto ng mga pinamumunuan o mamamayan ay siyang gagawin ng pinuno at ang pinamumunuan ay kailangan na sumusunod sa giya ng kanilang pinuno. Ito ay tungkol sa interes kung saan ang pinakamahalaga ay ang kapakanan ng lahat at kung ano ang interes ng nakararami ay siyang papangibabawin. Ito rin ay tungkol sa responsibilidad kung saan ganap na tinutugunan ng bawat indibidwal ang gampaning nakaatang sa kanya. Ito ay mahalaga upang magkaroon ng mabilis na pag-unlad ang pamayanang kanyang kinabibilangan.
Ang prinsipyo ng subsidiarity ay tinatawag na secondary importance. Likas sa mga tao na pangunahing tuonan ng pansin ang kanilang mga sarili at pamilya. Mahalagang maging isa sa ating mga pagpapahalaga ang maiukol sa pamayanan bilang bahagi ng komunidad, sapagkat makatutulong ito sa proseso ng lipunan. Ang pamahalaan ay tutulungan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. Ang mga tungkulin naman ng mga mamamayan ay ang magtulungan. Mahalaga ang bayan sa bawat isa kaya dapat na pahalagahan din natin ito.
Higit na makakatulong sa pagtataguyod ng isang maunlad at mapayapang pamayanan, ganoon din sa ating pamilya ang dalawang prinsipyo na ito.
Halimbawa ng prinsipyo ng solidarity:
- Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
- Bayanihan at kapit-bahayan
- Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
Halimbawa ng prinsipyo ng subsidiarity:
- Karapatan – karapatan ng bawat indibidwal katulad nalang sa pagiging manggagawa, bawat isa sa atin ay may karapatang magsalita kung may mali, sumusobra o nang-aabuso na ang mga nakatataas sa atin. (Human rights – karapatang pantao)
- Kalayaan – kalayaan ng bawat indibidwal katulad nalang sa botohan o halalan, may kalayaan ang bawat isa sa atin na pumili kung sino ang gusto nating mamuno o mahalal.
- Privacy
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa ibig sabihin ng prinsipyo ng solidarity at prinsipyo ng subsidiarity at mga halimbawa nito, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/173218
Pagkakaiba ng Prinsipyo ng Solidarity at Prinsipyo ng Subsidiarity:
- Ang prinsipyo ng solidarity ay tungkol sa kabutihang panlahat samantalang ang prinsipyo ng subsidiarity naman ay tungkol sa katauhan ng isang indibidwal.
- Ang prinsipyo ng solidarity ay nagbibigay diin sa tungkulin, pagkakapantay-pantay, at kooperasyon samantalang ang prinsipyo ng subsidiarity ay nagbibigay diin sa karapatan ng isang indibidwal, privacy, at kalayaan.
- Ang prinsipyo ng solidarity ay ang mag-aakay sa estado upang itaguyod ang kabutihang panlahat kahit na minsan ay maisakripisyo ang kapakinabangan ng ilang indibidwal samantalang ang prinsipyo ng subsidiarity ay ang mag-aakay sa estado na pangalagaan at igalang ang mga likas na karapatan ng bawat indibidwal at ng pamilya na naaayon sa kabutihang panlahat.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa pagkakaiba ng prinsipyo ng solidarity at prinsipyo ng subsidiarity, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/700560
Pagkakaugnay ng Prinsipyo ng Solidarity at Prinsipyo ng Subsidiarity
Ang prinsipyo ng solidarity at prinsipyo ng subsidiarity ay magkaugnay sa layunin na:
- maging maayos ang lipunan
- magkaroon ng isang maunlad at mapayapang pamayanan
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa pagkakaugnay ng prinsipyo ng solidarity at prinsipyo ng subsidiarity, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/1567006