ano ang kahulugan ng naghihinagpis?

Sagot :

Ang kahulugan ng naghihinagpis ay pananangis ng isang taong may taglay na kalungkutan, matinding pagdadalamhati.

Halimbawa nito sa pangungusap upang mas lubos nating maunawaan ang kahulugan:

1.Naghihinagpis ang buong pamilya ng isang batang babae na naging biktima ng panghahalay,nais nilang agad na makamit ang katarungan.

2.Labis na naghihinagpis si Maria sa pagpanaw ng kanyang ama.

3.Ang mga biktima ng sunog ay naghihinagpis,dahil kahit isang gamit ay wala silang nailigtas.

i-click para sa karagdagang kaalaman sa talasalitaan:

https://brainly.ph/question/2091937

https://brainly.ph/question/2116312

https://brainly.ph/question/108078

Ang kahulugan ng naghihinagpis ay pagkadama ng matinding lungkot at sakit sa kaniyang kalooban. Lubusang pagdadalamhati na may kasamang paghiyaw dahil sa sakit.

Narito ang halimbawa ng pangungusap para sa salitang naghihinagpis.

1. Naghihinagpis ang mag-asawa dahil sa pagkawala ng kanilang kaisa-isang anak.

2. Nakita ko kung paano naghihinagpis ang bawat pamilya dahil na naganap na digmaan sa pagitan ng militar at mga rebelde.