Tula Tungkol sa Temang "Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo"
Ang kalusugan ang natatanging yaman
Ng bawat isa ay dapat makamtan
Tanging makikita sa wastong timbang lamang
Ang kalusugang inaasam-asam
Tamang nutrisyon at ehersisyo ang natatanging sagot
Upang tamang timbang ay madaling maabot
Laging alalahanin, na kapag timbang ang suliranin
Nutrisyon at ehersisyo ay huwag kalimutang suriin.