Sagot :
Ang pagkakaroon ng pananampalataya o faith ay isang mahalagang katangian sa buhay ng isang tao. Hindi natin ito taglay pagkasilang kundi ito ay katangian na nililinang sa paglipas ng panahon. Mababasa sa aklat ng Hebreo 11:1 ang kahulugan ng pananampalataya bilang "mapananaligang paghihintay sa mga bagay na inaasahan, ang malinaw na pagtatanghal ng mga katunayan bagaman hindi nakikita.” Kaya naman ang pananampalataya ang saligan ng ating pag-asa at pananalig sa di-nakikitang mga katunayan na nakasulat sa Bibliya. Sa aklat ng Roma 10:17 idinidiin na “ang pananampalataya ay kasunod ng bagay na narinig”, mga bagay na ating natutunan mula sa pag-aaral ng Bibliya na nagpapatibay ng pananampalataya.
Kahalagahan ng Pananalampataya
Narito ang ilang mga dahilan kung bakit napakahalaga ng pananampalataya:
- Nagkakaroon ang isang indibidwal ng malapit na kaugnayan sa Diyos.
- Napapanatili ang positibong pananaw sa kabila ng mga suliranin.
- Nagkakaroon ng dahilan para makadama ng kagalakan.
- Pinanghahawakang pag-asa sa hinaharap.
Mga Taong may Matibay na Pananalampataya
Sila ang mga ilang taong nagpakita ng matibay na pananampalataya na iniulat sa Bibliya at maaari natin silang tularan:
- Noe
- Moises
- Abraham
- Isaac
- Job
- David
- Ruth
- Esther
- Juan Bautista
- Maria
- Marta
Bisitahin ang mga link upang makaalam ng karagdagang impormasyon tungkol sa pananampalataya:
Kahulugan sa pananampalataya https://brainly.ph/question/1263633
10 pangungusap tungkol sa pananampalataya sa Diyos https://brainly.ph/question/2164574
Bakit mahalaga ang pananampalataya sa diyos https://brainly.ph/question/486584
#BetterWithBrainly