anong ibigsabihin ng pakikisama

Sagot :

Ibig Sabihin ng Pakikisama

Ang salitang pakikisama ay may salitang ugat na sama. Ito ay isang magandang kaugalian. Ang ibig sabihin ng pakikisama ay pakikiisa o pakikibagay sa mga nakararami upang mapanatili ang maayos na samahan sa kapwa. Ito ay maiuugnay sa pakikitungo at pagkakasundo ng mga tao patungkol sa isang bagay. Ito ay bunga ng pang-unawa at pakikipagkapwa.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin ang salitang pakikisama upang mas maintindihan ito. Narito ang mga halimbawa:

  • Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo dahil sa mahusay na pakikisama sa mga kababayan at mga dayuhan.

  • Tagumpay ang proyektong community pantry dahil sa pakikisama ng maraming tao na may kakayanan tumulong sa iba.

  • Hinangaan ng lahat ang magandang pakikisama ng bagong Mayor ng Pasig sa kanyang mga nasasakupan.

Kahalagahan ng pakikisama sa paglinang ng mabuting asal:

https://brainly.ph/question/1394343

#LearnWithBrainly