Sistema ng paniniwala at ritwal

Sagot :

Ang tao ang katangi-tanging nilalang na may sistema ng paniniwala at ritwal. Tumutukoy ito sa kakayahang magsagawa ng pagsamba. Ang ilan ay tinutukoy ito bilang ang espirituwalidad. Bilang isang grupo, nakikilala ang mga tao batay sa kanilang relihiyosong organisasyon na kinauugnayan.

Ang relihiyon ay ang pagsasagawa ng debosyon ukol sa kinikilala nilang Diyos. Nagkakaiba-iba ito ayon sa:

  • paniniwala
  • ritwal

Alamin ng higit ang kahulugan ng espirituwalidad at pananampalataya sa https://brainly.ph/question/2072228.

Paniniwala

Iba't-iba man ang paniniwala, mayroong pagkakapareho ang mga tao. Narito ang ilan:

  1. Mayroong Diyos na lumalang sa lahat kasama na ang mga tao.
  2. May kahihinatnan ang lahat ng mga pagkilos ng isa. Ang tawag nila dito ay ang gantimpala  o kaparusahan.

Ritwal

Maraming mga gawang pagsamba ang mga tao. Kasama na dito ang mga sumusunod:

  1. Pagbabasa at pagbubulay-bulay
  2. Personal na mga gawa gaya ng pananalangin
  3. Publikong paghahayag gaya ng pagdalo sa mga relihiyosong mga okasyon kasama na ang sama-samang pag-awit at pagbabasa.

Alamin pa ang ilang halimbawa ng pananampalataya sa link na ito: https://brainly.ph/question/2111315.

Ang ilang ay hindi tinatanggap ang ideyang ito. ito ay dahil sa ilang negatibong paniniwala tungkol sa pananampalataya. Basahin ito ng higit sa https://brainly.ph/question/2098875.