Ano ang ibig sabihin ng bantog?

Sagot :

Kahulugan ng Bantog

Ang kahulugan ng bantog ay kilala ng nakararami. Ito ay nagpapakita ng isang taong sikat o tanyag sa kaniyang mga gawain. Ang mga taong ito ay maaaring artista, politiko, manlalaro o kahit sinong taong umagaw ng atensyon ng publiko.

Ang pagiging tanyag sa bawat larangan ay isang gawaing mabigat sapagkat ang oras, tiyaga, at talino ay dapat ilaan. Sa paaralan ang kadalasang bantog o kilala ay yaong mga mahuhusay; ito ang mga taong nagbibigay ng malaking bahagi ng oras, tiyaga, at buong pusong pagtanggap upang lutasin ang anumang kahaharapin sa pag-aaral.

Ilang Halimbawa ng mga Taong Bantog

  • Isa si Nora Aunor sa mga sumikat na artista at kinilala sa iba’t ibang bansa bilang isa sa pinakamahuhusay na artista sa industriya. Ang mga parangal na ito ay may kalakip na pagtitiyaga sapagkat ang artistang ito ay dating mahirap lamang. Sa tulong ng kanyang determinasyon at pagmamahal sa kanyang larangan ay naabot niya ang pinakamatayog na parangal sa larangan ng pagganap.
  • Maituturing din na sikat si Regine Velasquez sa larangan ng pag-awit; ang mang-aawit na ito ay nagsimula sa maliliit na kompetisyon. At dahil sa kanyang galing at determinasyon pinarangalan siya at tinaguriang Asia’s Songbird.

Ang pagiging bantog, kilala o tanyag ay dumaraan sa proseso ng pagtitiyaga at pagmamahal sa larangang tinatahak. Mahalaga na sa bawat araw ay may mga layunin na nakatala upang magsilbing gabay sa pag-abot ng pangarap.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring magtungo sa link na nasa ibaba:

https://brainly.ph/question/401260

https://brainly.ph/question/361558

https://brainly.ph/question/952123

#LearnWithBrainly