ano po ang halimbawa ng interaksyunal

Sagot :

Answer:

Gamit ng Wika Bilang Interaksyunal

Ang interaksyunal na gamit ng wika ay bumubuo at nagpapanatili ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa. Mayroong dalawang pangunahing daluyan ng interaksyunal na gamit ng wika. Mayroon ding mga kasanayang kailangan upang mapanatili ang ugnayan. Ang interaksyunal na gamit ng wika ay mahalaga upang mapanatili ang magandang samahan sa lipunan. Sa interaksyunal din mas lalong nagkakaunawaan ang mga tao.

Dalawang Daluyan ng Interaksyunal na Gamit ng Wika

1. Small talk o Kumustahan

  • Naglalaman ng maiikling pagbati, palitan ng kuro-kuro tungkol sa mga paksang hindi ginagamit sa mahahabang usapan at kadalasang nagtatapos sa mga pahayag ng pamamaalam
  • Formulaic o pangkaraniwan ang nilalamang paksa tulad ng mga ginawa, kalagayan sa trabaho o eskuwelahan
  • Mahalaga para sa pakikipag-ugnayan at pagpapakalagayang loob ng mga hindi magkakilala

2. Kuwentuhan

  • Sa kumustahan, dinadaanan lamang ang mga paksa
  • Sa kuwentuhan, mayroong napagkakasunduang mga paksang pag-uusapan na maaaring pasukan ng iba pang mga bagong usapin.
  • Mga Kasanayang Kailangan sa Kumustahan
  • May iba't ibang kasanayang dapat matutuhan at tandaan upang mapanatili ang ugnayan ng mga tao sa isang kumustahan

  • 1. Paggamit ng mga pangkaraniwang pahayag

      ginagamit sa kaswal na pakikipag-usap o kumustahan

Halimbawa:

  • Magandang Umaga! Kumusta?”
  • “Okay naman. Ikaw?”

2. Paggamit ng pormal o kaswal na wika depende sa sitwasyon

ginagamit kung hindi masyadong kakilala ang kausap o para magpakita ng paggalang sa kausap

Halimbawa:

  • Pormal: “Nabalitaan ninyo po ba ang lagay ng panahon ngayong araw? May kainitan po ano?
  • Kaswal: “Ang init-init ngayon ano?”

3. Pagkakaroon ng maraming kaalaman sa mga paksang pag-uusapan  ginagamit para mapanatil ang sigla at ugnayan sa usapan at kumustahan

Halimbawa:

  • “Nabalitaan kong nagbakasyon ang inyong pamilya. Nag-enjoy ba kayo sa Bohol?”
  • “Medyo magulo ngayong eleksyon ano? May napili ka na bang iboboto sa pagkapangulo?”

4. Paggamit ng mga pambungad at pamamaalam na pahayag

ginagamit para maging magaan at komportable ang simula ng usapan

Halimbawa:

  • Uy! Hello! ‘Gandang umaga!”
  • “O sige, mauuna na ako sa iyo. Paalam!”
  • “Ingat! Pakikumusta ako sa iyong nanay.”

5. Paggamit ng back-channelling

mga pahayag na nagpapamalas ng pagsang-ayon o pagpapakita ng interes sa pinag-uusapang paksa

ginagamit upang maipagpatuloy ang usapan

Halimbawa:

  • Talaga?”
  • “Ano sa palagay mo?”

Mga Kasanayang Kailangan sa Kuwentuhan

Tulad sa kumustahan, mayroon ding mga kasanayan na mahalaga sa kuwentuhan.

6. Pagsisimula ng pag-uusap sa isang paksa sa pormal o kaswal na paraan

ginagamit sa pormal na pagtitipon, meeting o usapan

Halimbawa:

  • Pormal: “Magandang umaga! Kumusta? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan.”

Kaswal: “O! Kamusta ka na?”

7. Pagbibigay ng makabuluhang feedback

ginagawa sa pamamagitan ng back-channeling

Halimbawa:

  • “Sa palagay ko, tama ang iyong sinabi.”

“Mukhang totoo iyon.”

8. Paghingi ng paglilinaw

ginagawa sa pamamagitan ng pagpapaulit ng sinabi kung hindi malinaw na narinig ang pahayag o kung kinakailangan

Halimbawa:

  • “Pakiulit ang iyong sinabi.”

9. Pag-iwas sa hindi pagkakaunawaan

ginagawa ito kung nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan dahil sa binitawang pahayag

Halimbawa:

  • “Paumanhin, mukhang kailangan kong ipaliwanag ang panig ko.”

10. Pagbubukas at pagsasara ng usapan

magiging komportable at makabuluhan ang kuwentuhan kung may kaalaman sa pagsisimula at pagsasara nito

Halimbawa:

  • Pagbubukas ng usapan: “Maaari ba nating pag-usapan ang problema natin sa bahay?”
  • Pagsasarado ng usapan: Ganoon na ang ating gagawin ha? Maraming salamat sa iyong pagtulong. Hanggang sa muli, paalam.”

Para sa iba pang kaalaman buksan lamang ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/2266399

brainly.ph/question/1786668

brainly.ph/question/1741322