AYON SA KUWENTONG ALEGORYA NG YUNGIB, PAANO IPINAKILALA NI PLATO ANG KAHALAGAHAN NG KATOTOHANAN AT EDUKASYON SA BUHAY NG SANGKATAUHAN?

Sagot :

          Ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng katotohanan at edukasyon sa buhay ng tao sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga dapat at di-dapat mabatid ng sangkatauhan sa kanyang kalikasan--ang kalikasan ng kawalan ng edukasyon at kamangmangan.

         Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita natin ay mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay.

        
Ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang mga anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula  kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y matuklasan.