Sinasabing ang buhay ay parang isang gulong sapagkat di sa lahat ng panahon tayo ay nasa ibabaw o nasa ilalim. Ang gulong ng buhay ay patuloy na iikot at sa takdang panahon ay magbabago din ang landas ng ating kapalaran.
Parang buhay ng tao, minsan masaya, minsan malungkot. Minsan maginhawa, minsan taghirap.