Sa silid aklatan...
Bata 1: Bakit ganyan ang kulay mo? Maitim at
kulot ang makapal mong buhok?
Bata 2: Kasi isa akong Indiyano. Eh ikaw ba't
singkit at maputla ka?
Bata1: Ganito talaga ako kasi Tsino ako.
Bata 2: Eh anong tawag sa kanya (sabay turo sa
isang babaeng may malaporselanang kutis)
Bata 1: Ewan, baka Koreano.
Bata2: Bakit ang dami damil nila sa atin?
Bata1: Malamang gusto nila dito.
Ang
pagiging mamamayan ng Asya
Ay sadyang mahirap ikaila
Sa puso at mata
Ito ay laging nakikita
Sa gawi ay mapapansin
Taga-Asyang mahinhin
Na kahit piliting alisin
Pagiging Asyano ay lalong nadidiin
Kaya't pagiging Asyano ay pahalagahan
Kesehodang ito ay ipagsigawan
Nang sa lahat ay malaman
Asya ang iyong tahanan.