"Essay sa
Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo"
Sa
kasalukuyan kung kailan nauuso ang lahat ng bagay sa computer maging ang mga
laro at edukasyon, hindi kataka-takang karamihan ay mayroong nag-iisang
suliranin. Iyon ay ang panatilihin ang wastong timbang batay sa edad at taas ng
tao. Ang pagkakaroon ng wastong timbang ay isang magandang senyales ng pagkakaroon
ng magandang kalusugan.
Ang
magandang kalusugan ay hindi lamang nakukuha sa purong bitamina, food
supplements at kung anu-ano pa diyan. Ang tama at regular na pag-eehersisyo na
hinaluan ng tamang nutrisyon ay ang ganap na 'recipe' sa isang magandang kalusugan.
Ang ehersisyo at nutrisyon ay isang kombinasyon para sa kaaya-ayang timbang
ngunit sa napakagandang kalusugan na rin.