Sagot :
Makataong Ugnayan: Likas Na Kontribusyon Ng Pamilya
Kontribusyon para sa makataong ugnayan
Ang kontribusyon para sa makataong ugnayan ay tinuturing na likas na kontribusyon ng bawat pamilya. Inaasahan sa bawat pamilya ang pagtutulungan, pag-galang sa mga karapatang pantao at suporta sa mga nangangailangan.
Pagsulong Sa Kontribusyon Para Sa Makataong Ugnayan
1. Pagbibigay serbisyo sa kapwa pamilya - Sa pamamagitan ng pagmamalasakit ng kabutihan sa kapwa pamilya ay naipapakita ng isang pamilya ang konribusyon sa makataong ugnayan.
2. Magiliw na pagtanggap sa pamilyang nasa kagipitan - May mga pamilya na nangangailangan ng tulong at dapat ang isang pamilya ay handa sa malugod na pagtanggap lalong lalo na sa mga pamilyang nangangailangan.
3. Pagtatanggol sa karapatan ng pamilya - Inaasahan na ang bawat pamilya ang nangunguna sa pagtatanggol sa kanilang karapatan na naaayon at alinsunod sa batas (https://brainly.ph/question/939847).
4. Pakikiisa at pakikilahok sa bansa para sa kabutihang panlahat - Mahalagang bahagi ng isang bansa ang pamilya. Sa katunayan ito ang pinakamaliit na yunit na bumubuo sa lipunan.
Pagsulong Sa Kontribusyon Para Sa Pag-unlad Ng Bansa
1. Ang bawat magulang ay mahalagang magabayan ng maigi ang mga anak upang maging mabuting mga mamamayan.
2. Ang mga magulang din ay inaasahang maging modelo ng kagandahang asal.
3. Dapat ang bawat pamilya ay maging aktibo sa mga gawaing nagpapaunlad sa pamayanan (https://brainly.ph/question/197115).
#BetterWithBrainly