Ang
pang-araw araw na gawain ng mga tao sa kasalukuyan ay ginagamitan na ng iba't
ibang uri ng kasangkapang de makina at de kuryente samantalang noon mga panahon
ng mga tag Catal Huyuk ay gumagamit sila ng mga kasangkapang mula sa pinakinis
na mga bato.
Ngayon, ang mga katawan ng mga patay ay
binibigyan ng disenteng lamay at burol sa isang disenteng kapilya at may mga
mamahaling kabaong ngunit dati ay inililibing lamang nila sa loob ng kanilang
bahay ang kanilang mga patay.
Ang sining ngayon ay marami ng pormal na
pagsasanay sa iba't ibang paaralan at sumasali na sa iba't ibang patimpalak na
pang-internasyonal samantalang dati rati ang sining ng paghahabi at paggawa ng
mga palayok ay isang paraan din ng hanapbuhay ng mga tao.
Sa kasalukuyan, palengke ang pangunahing
pinagkukunan ng pagkain sapagkat lahat ay ibinebenta na ngunit dati sila mismo
ang nagtatanim at naghahanap ng kanilang pagkain sa kagubatan.