saan umiikot ang daigdig

Sagot :

Ang Pag-ikot ng Mundo

Ang daigdig o ang mundo ay kabilang sa mga planetang nakapalibot sa araw. Ang bawat planeta ay mayroong dalawang uri ng pag-ikot, ito ay ang mga sumusunod:  

  • Rotasyon - Gumagalaw o umiikot ang isang planeta sa loob lamang ng sarili nitong aksis. Tinatawag na aksis ang imahinasyomg linya mula sa hilaga hanggang sa timog na bahagi ng mundo. Umiikot ang mundo sa loob lamang ng 24 oras kung kaya't ito ay nakakabuo ng isang buong araw.  

  • Rebolusyon - Ito ay ang terminong tumutukoy sa pag-ikot ng mundo sa paligid ng araw. Ang mundo ay naglalaan ng 365 na araw upang makumpleto ang isang buong pag-ikot.

#LetsStudy

Pagkakaiba ng rotasyon at rebolusyon: https://brainly.ph/question/872379