1. Alin ang HINDI salik sa pagsiklab ng nasyonalismong Tsino?

A. paghahalo ng kulturang Tsino at kanluranin

B. mahinang industriya at kalakalan ng mga Tsino

C. extraterritoriality rights ng mga dayuhang kanluranin

D. mahinang pamumuno ng mga dayuhang nagtatag ng dinastiyang

Ming

2. Paano ikukumpara ang Rebelyong Taiping sa Rebelyong Boxer?

A. Pareho itong nagwagi laban sa kaaway.

B. Magkaiba ang kanilang hangarin at kinahinatnan.

C. Magkatulad ito sa layuning palayasin ang mga dayuhan sa Tsina.

D. Natalo ang Rebelyong Taiping samantalang nagwagi ang Rebelyong Boxer
3. Alin ang HINDI kabilang sa mga dahilan kung bakit umusbong ang

nasyonalismo sa Pilipinas?

A. pagiging Kristiyano ng mga katutubong Pilipino

B. pagbili at pagbenta ng tabako sa pamahalaan lamang

C. pagtatalaga sa mga principales bilang cabeza de barangay

D. pagkuha sa mga Pilipino para sa sapilitang paggawa ng daungan

4. Paano naiiba ang nasyonalismo nina Mao Zedong at Sun Yat-Sen?

A. Isinulong ni Mao Zedong ang komunismo at si Sun Yat-Sen naman

ay ang demokrasya.

B. Naniwala si Mao Zedong sa kapitalismo habang si Sun Yat-Sen

naman ay sa merkantilismo.

C. Demokratikong pinuno si Mao Zedong samantalang kapitalismo

naman si Sun Yat-Sen.

D. Naniwala si Sun Yat-Sen sa sosyalismo samantalang sa

totalitaryanismo naman si Mao Zedong.

5. Sa Timog-Silangang Asya, maraming mga nasyonalista ang kumilos upang

mapalaya ang kanilang bansa sa imperyalismo ng mga kanluranin. Ano

ang pagkilos na ginawa ng bayani ng bansang Myanmar?

A. Nakipaglaban si Ho Chi Minh sa mga Tsino at British.

B. Sinimulan ni Diponegoro ang malawakang pag-aalsa laban sa mga

Dutch.

C. Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan upang labanan ang

mga Espanyol.

D. Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon laban sa mga

British noong 1930-1932.​