Basahing mabuti ang mga pangungusap. Ibigay kung ano o sino ang tinutukoy ng mga pangungusap. Hanapin ang sagot sa kahon sa ibaba at isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong mga kasagutan.
1. Sila ng bumubuo ng karamihan ng lipunan sa panahong ito ng Europa.
2. Sila ay hindi tinuturing na natatanging sektor ng lipunan sapagkat ang kanilang posisyon ay hindi namamana sa kadahilanang hindi sila maaaring mag-asawa.
3. Isang kasunduan o ritwal na kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito.
4. Tawag ito sa hindi opisyal na pamunuan na handang pumatay ng mga hindi maayos na pinuno ng gobyerno.
5. Ang salitang ito ay nangangahulugang “Ama” na nagmula sa salitang latin na “Papa”.
6. Siya ang nagbuklod sa lahat ng Kristiyano sa imperyo ng Rome at itinatag niya ang Konseho ng Nicea.
7. Binubuo ng mga pangkat ng pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo.
8. Siya ang nagmamayari ng lupa at nagbibigay siya ng lupa sa mga sumusuporta sa kanya.
9. Ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval.
10. Isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095.