2. Ano-anong hakbang ang iyong gagawin upang maisabuhay ang mga ito?​

Sagot :

Answer:

Ang pagkakaroon ng mga pagpapahalaga ay ibang bagay sa pagpapanatili nito. Bakit natin nasabi iyon? Dahil ang lahat ng mga bagay sa buhay ng isang tao ay may mga yugto ng mga hamon at pagbabago. Kaya naman mri nitong maapektuhan ang pinanghahawakan mong pagpapahalaga. Puwede mong mapasulong ito o mailayo doon dahil sa mga hamon at pagbabago. Kaya ang mga sumusunod na mga hakbang ang tutulong sa isa na maisabuhay ang iyong pagpapahalaga.

1. Manatili sa pagpapayaman ng kaunawaan na nauukol sa iyong pinahahalagahan. Nakakakuha tayo ng mabubuting payo tungkol dito. Mabuting magpatuloy sa pagkuha ng kaalaman, magsuri upang makita kung paano ito isasabuhay.

2. Gumawang kasama ng mga taong may gayunding mga pagpapahalaga. Tutulungan ka nilang maging buhay na buhay ang iyong pagpapahalaga. Kakabit nito ang pag-iwas sa mga impluwensya- tao man o bagay- na magpapahina ng iyong panghahawakan.

3. Magtakda ng mga maiigsi at mahahabang tunguhin at abutin iyon. Sa pagkamit niyaon, bigyan ng gantimpala ang sarili upang mapanatili ang sigla sa patuloy na pag-abot.