Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain kung ang ipinahahayag ng pangungusap ay tama, isulat ang at kung mali ang ipinahahayag isulat ang X 1. Muling itatag at buksan ang kuta ng mga Espanyol sa Zamboanga at nagwakas nang salakayin ng mga British ang Maynila. 2. Humina ang kapangyarihang Muslim noong huling bahagi ng ika-19 na siglo kaya ang mga Espanyol ay nagsagawa sila ng iba't ibang pag-atake sa mga Muslim sa Mindanao. 3. Winasak ni Gobernador-Heneral Emilio ang mga kuta ni Datu Utto noong 1886 nang muling salakayin ang Cotabato. 4. Kinilala ng Sultan ng Maguindanao ang kapangyarihang Espanyol noong 1861 Ngunit nagpatuloy pa rin ang paglaban ng mga Muslin doon. 5. Muling itatag ng mga Espanyol ang kuta sa Zamboanga noong 1718. 6. Sa yugtong ito pinahintulutan ng kolonyal na gobyerno ang pag-oorganisa ng mga ekspidisyong militar ng mga boluntaryo laban sa mga puwersang Moro. 7. Sa ilalim ng kasunduan, kikilalanin ng Sultan ang pamamahala ng mga Espanyol kapalit ang pensiyon na ibibigay sa kanilang pamilya 8. Ito ang pinakamadugong yugto sa Digmaang Moro at Espanyol 9. Sa yugtong ito ay humingi ng suporta sa Sultanato ng Maguindanao at sa mga Olandes sa Batavia si Sultan Badar-uddin. 10. Bilang opensiba ng mga Moro naglunsad sila ng mga pag-atake sa mga baybayin ng Visayas at silangang Luzon.