Basahin at unawain ang sanaysay sa ibaba.
Si Jessie, isang mag-aaral sa klase ni Bb. Palomar, ay parang hindi
nalinawan sa kanyang napakinggang ulat tungkol sa mabuting pakikipamuhay
sa isang pook. Ang napakinggan niyang ibig sabihin ng mabuting
pagkamamamayan ay ang pagsunod sa batas, pagtulong upang ipagtanggol
ang mga tao laban sa mga masasamang loob, at paglilinis ng bakuran.
"Gayon lamang po ba ang ibig sabihin ng mabuting mamamayan?" ang tanong
niya sa guro.
“Wala na po ang ibang paraan para makilala ang isang mabuting
mamamayan?"
66
Humiram tayo sa aklatan ng mga aklat tungkol sa mabuting mamamayan,"
ang mungkahi ni Owen. Oo nga! Tama ka," sang-ayon naman ni Jo Ann.

A.Panuto:Hanapin sa kwento at isulat sa patlang ang pangungusap na:

1.Pasalaysay
(1 pangungusap)
2.Patanong
(1 pangungusap)
3.Padamdam
(1 pangungusap)
4.Pautos
(1 pangungusap)​


Sagot :

Answer:

1. Pasalaysay

(Si Jessie, isang mag-aaral sa klase ni Bb. Palomar, ay parang hindi nalinawan sa kanyang napakinggang ulat tungkol sa mabuting pakikipamuhay sa isang pook.)

2. Patanong

("Gayon lamang po ba ang ibig sabihin ng mabuting mamamayan?" ang tanong niya sa guro.)

3. Padamdam

(Oo nga! Tama ka," sang-ayon naman ni Jo Ann.)

4. Pautos

(Humiram tayo sa aklatan ng mga aklat tungkol sa mabuting mamamayan," ang mungkahi ni Owen.)