sumulat ng isang talata tungkol sa pag aalaga ng kalikasan​

Sagot :

Answer:

Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling lahat ng bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at kapakipakinabang. Mula sa pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dito rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng ating kaalaman.

Dito sa ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga hotspots na tinatawag na mapapakinabangan natin para lumago at lumawak ang turismo sa ating bansa. Mayaman din tayo sa likas na yaman. Ang ilang sa mga ito ay hindi pa natin alam kung paano gagamitin at ang ilan ay di pa natin natutulakasan.

Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan, abusadong paggamit nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo ng mga inprastraktura, maling paraan pagtatapon ng basura, mali paraan ng pangingisda ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon tayong nakakaranas ng matinding pagbaha, landslide, phenomena at pagbabago ng klima.Tayong mga mamamayan at lahat ng nabubuhay dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at hindi magandang pagbabagong ito.

Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin nakasalalay ang ating kaligtasan. Huwag na nating antayin pa na mailagay sa panganib ang buhay natin, at magkaroon ng realisasyon sa kahalagahan ng kalikasan.

Simulan natin sa ating sarili, sa sariling bakuran at sa maliit na komunidad. It will make a difference. Kumilos na tayo habang pwede pa nating isalba ang biyayang binigay sa atin ng Panginoon.

Dapat tayong kumilos upang maayos natin ang mga suliranin sa usaping kalikasan. Magtanim tayo ng mga puno upang mabawasan ang pagbaha at mga “landslide” na maaring mangyari sa mga kalbong kabundukan at para na rin mabawasan ang init ng ating mundo o maiwasan ang “global warming”. Iwasan din nating magtapon ng basura sa mga yamang tubig upang makaiwas sa pagkamatay ng mga isda. At para rin hindi dumumi o mamatay ang yamang tubig. Huwag din gumamit ng mga dinamita sa pangingisda nang hindi masira ang ating mga koral na bato. Iyan lamang ang mga ilang halimbawa upang makaiwas sa mga delubyong kayang ibigay ng kalikasan.

Pangalagaan natin ang kalikasan sapagkat dito rin nanggagaling ang ating mga pangangailangan lalo’t higit ang hangin na ating inihihinga. Sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan mas mapapadali ang pagsagip sa ating inang kalikasan. Makakatulong rin ito sa mga susunod pang henerasyon, sana’y masaksihan pa nila ang tunay na kagandahan ng ating minamahal na kapaligiran. At sa ganitong pamamaraan matutulungan din natin ang ating bansang Pilipinas.

Explanation:

pa brainliest po