solusyong abono sa mga dahon ng halaman. d. Ring Method- Ito ay paraang pabilog. Huhukayin nang pabilog ang paligid ng halaman na may layong kalahati hanggang isang pulgad mula sa puno o tangkay. Ilalagay ang pataba sa lugar na hinukay at tatakpan ng lupa ang pataba e. Basal Application Method- Inihahalo ang pataba sa lupa bago itanim ang halaman. Kapag ang halaman naman ay itatanim sa paso, ang pataba ay inihahalo muna sa lupa bago itanim ang halaman. 4. Paggawa ng organikong pataba (composting) Paraan ng paggawa ng compost pit a. Humanap ng medyo mataas na lugar. b. Hukayin ito ng 2 metro ang haba, luwang at lalim. c. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at mga pinagbalatan ng gulay at prutas. d. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok at baka. e. Sabugan ito ng abo at patungan ng lupa. f. Ulitin ang ganitong pagkakasunod-sunod ng damo, nabubulok na basura, dumi ng hayop, abo at lupa hanggang sa mapuno ang hukay. g. Patagalin ng 3 buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang mga compost sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang metal screen na maliliit ang mga butas. Paraan sa paggawa ng basket composting a. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim. b. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahoon pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop at lupa hanggang mapuno ang lalagyan. c. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura. d. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste. e. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan para magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan. 5. Papuksa sa mga peste at insektong nakasisira ng tanim-Gumamit ng mga pamatay insekto upang mapuksa ang mga peste. Maaring makabili ng pamatay insekto sa tindahan ng paghahalaman o di kaya ay gumawa ng organikong pamuksa sa mga insekto tulad ng paggamit ng dinikdik na sili na ihahalo sa tubig na siyang ipang iispray sa halaman 6. Paglalagay ng bakod sa lugar ng halaman upang maging ligtas sa mga hayop. Gown