Basahin nang mabuti ang mga pa 1. Ito ay isang proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas. A Dual Citizenship B. Naturalisasyon Jus sanguinis D. Jus soli 2. Ang mga pahayag ay tumutugon sa pagkamamamayang Pilipino na naaayon sa batas MALIBAN sa isa. A Isa man sa iyong mga magulang ay Pilipino, ikaw ay mamamayang Pilipino. B. Ang mga dayuhan na dumaan sa proseso ng naturalisasyon ay mamamayang Pilipino. C. Puwedeng maging naturalisadong mamamayang Pilipino ang isang dayuhang naninirahan sa Pilipinas ng limang taon, nagtatrabaho bilang isang guro at nakapag-asawa ng Pilipino. D. Hindi na maaaring maging mamamayang Pilipino ang isang dating Pilipino na piniling maging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa. 3. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapahayag ng di-tamang prinsipyo ng pagkamamamayan? A Si Jane ay naging naturalisadong mamamayan ng Canada. Hindi na siya maaaring maging mamamayang Pilipinong muli. B. Si Arthur ay ipinanganak sa Pilipinas. Intsik ang kanyang ina at Pilipino ang kanyang ama. Si Arthur ay maituturing na isang mamamayang Pilipino dahil sa prinsipyo ng Jus sanguinis. c. Nanganak sa Amerika si Donna. Hindi mamamayang Pilipino ang kanyang anak dahil sa prinsipyo ng Jus soli. D. Ang ama ni Buddy ay Ilokano at ang kanyang ina ay Kapampangan. Si Buddy ay isang mamamayang Pilipino.