30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Tukuyin ang sumusunod. Ilagay sa patlang kung ito ay Awiting/ Tulang Panudyo, Tugmang de- Gulong, Palaisipan o Bugtong 1. Langit sa ibaba, langit sa itaas, Tubig sa gitna (Niyog). 2. Ano ang mayroon sa aso na mayroon din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit mayroon sa manok, na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka. (Sagot: Letrang A) 3.Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang bayad ka na. 4.Inalis inalis, ikakasal sa Lunes 5. Munting tampipi, puno ng salapi (Sagot: Sili) 6. Huwag dume-kuwatro sapagkat ang dyip ko'y di mo kuwarto. 7.Binili ko ng berde, kinain ko ng pula, iniluwa ko ng itim. Ano ito? (Sagot: Pakwan) 8. Bata, bata pantay-lupa asawa ng palaka. 9. Baston ni Adan, Hindi mabilang (Sagot: Ulan) 10. Ang ina ay gumagapang pa, ang anak ay umuupo na (Sagot: Kalabasa)