Answer:
Ang Tsina, opisyal na Republikang Bayan ng Tsina,[3][4] ay isang bansa sa Silangang Asya na siyang pinakamatáong bansa sa buong mundo sa populasyon nitong higit sa 1.38 bilyon.[5] Sa lawak nitong umaabot sa humigit-kumulang 9.6 milyong kilometrong parisukat, ito ang ikalawang pinakamalaking bansa batay sa kalupaan, at ikatlo o ikaapat naman sa kabuoang lawak.[6] Ang Tsina ay pinamamahalaan ng Partidong Komunista ng Tsina, na may sakop sa 22 lalawigan, limáng awtonomong rehiyon, apat na munisipalidad na direktang-pinamamahalaan (Beijing, Tianjin, Shanghai, at Chongqing), at ang mga Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macau, at inaangkin din nito ang soberanya ng Taiwan.
Explanation:
or sa pag benta at pag bili mark me