✾Answer✾
buod ng kabanatang 10-14 ng el filibusterismo
- Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Marangya ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya. Pinuno rin siya ng mga mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila.
- Inanyayahan ni Makaraig sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang pagpupulong. May positibong pananaw si Isagani at Sandoval na papayagan ang kanilang panukala habang duda naman si Pecson kaya nagkaroon sila ng pagtatalo.
- Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol daw sila ni Padre Irene sa kanilang plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio na isa sa mga bahagi ng lipon ng paaralan, sa pamamamagitan nina Ginoong Pasta na isang manananggol at si Pepay na isa namang taga-aliw na parehong malalapit daw sa pari.
- Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong dahil marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle.
Correct me if I am wrong
#The Axis ☄
#PanzerAce
Lets keep on learning comrade❤️
*salutes*