Answer:
11. Namulat ang mga tao sa paglaganap ng mga paglabag sa karapatang pantao at iba pang pang-aabuso ni Marcos at ng Militar.
12. Nabigong pagtakpan ng media na hawak ng mga Marcos at ng kanyang mga cronies ang lumalalang kahirapan at kagutumang nararanasan ng maraming Pilipino.
13. Sumidhi ang damdamin ng mga kilusang tulad ng New People’s Army (NPA) at Moro Liberation Front (MNLF) na lumaban sa mapaniil na pamahalaan.
14. Nagsimula ring lumaban sa pamahalaan ang ilang sektor ng lipunan tulad ng mga makabayang mamamahayag na nagkaisang bumuo ng mga pahayagang magbabalita ng mga tunay na kalagayan ng bansa partikular ang talamak na katiwalian sa pamahalaan. Nanguna na muling magtatag ang mga mulat na mag-aaral ng mga sangguniang mag-aaral (student council) at nanawagan sa panunumbalik ng malayang pamamahayag sa mga kolehiyo at pamantasan
Nasa lesson po yan