Panuto: Sagutan nang maayos ang mga sumusunod tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Nakikilahok ka ba sa mga gawain sa inyong simbahan? 2. Nakikipag-usap ka ba sa ibang tao tungkol sa iyong mga paniniwalang panrelihiyon? 3. Nagdarasal ka ba? 4. Nakikihalubilo ka ba sa mga taong iba ang relihiyon sa iyo? 5.Iginagalang mo ba ang pananalig ng ibang tao? 6.Nagbabasa ka ba ng mga aklat tungkol sa iyong relihiyo 7. Nagtatanong ka ba sa mga nakatatanda upang maragd gan ang iyong kaalaman tungkol sa iyong pananalig? 8. Tinutulungan mo ba ang mga maysakit? 9.Pinatatawad mo ba ang taong nakasakit sa iyong damdamin? 10. Tinutuligsa mo ba ang bawat paniniwala ng ibang relihiyon? 11. Tumatanggi ka bang tumulong sa ibang tao kapag nalaman mong sa ibang relihiyon siya kabilang? 12.Inaalam mo ba ang mga ritwal na ginagawa ng ibang relihiyon? 13.Matiyaga ka bang nakikinig sa pangaral ng pinuno ng inyong simbahan, gaano man ito kahaba? 14. Nag-iisip ka ba ng mga paraan kung paano mo pa mapauunlad ang iyong pananampalataya? 15.Naiisip mo ba na dapat ay isa lamang ang relihiyon ng lahat ng tao sa buong mundo?