3. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga
gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito.
Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
a. Hindi umiiwas sa anumang Gawain
b. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
4. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi
umiiwas sa anumang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita
nito?
a. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa
gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng mayroong pagkukusa.
b. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa
anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
c. Masipag na mag-aaral si Hans, sa tuwing siya ay nag-aaral ay
ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras dito ng buong
husay
d. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay
hindi niya ginagawa ito basta lamang matapos, kundi
naghahanap siya ng perpeksyon dito.​