Panuto: Katotohanan o Opinyon. Isulat sa patlang ang K kung ang isinasaad ng
pahayag ay katotohanan at O kung ito ay opinyon.
1. Makatutulong ang Parity Rights sa paggalugad at paglinang ng ating
pinagkukunang-yaman.
2. Ayon sa Saligang Batas ng 1935, labag ang pagpapatupad ng Parity Rights.
3. Tanging United States lamang ang makatutulong upang umunlad ang bansa.
4. Sumang-ayon ang lahat na mga Pilipino sa pagpapatupad ng Parity Rights.
5. Ang Parity Rights ay nagbibigay ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at
Amerikano na malinang ang mga likas na pinagkukunang-yaman ng bansa.
6. Ang Bell Trade Acto Philippine Trade Act ay nakatakda ang malayang
kalakalan ng dalawang bansa hanggang 1954.
7. Nakasaad sa probisyon ng malayang kalakalan na aabot ng 100% na buwis
pagkatapos ng 20 taon.
8. Maaaring iluwas ng Pilipinas ang lahat ng produkto sa Amerika.
9. Patas ang mga nakasaad sa probisyon ng malayang kalakalan sa Bell
Trade Act.
10. Ang United States of America ay malayang magpasok sa Pilipinas ng
kalakal at walang kabayarang buwis.​