(Pls help po magpapa free po ako kapag nasagot nyo po ito ng maayos)


Panuto: Basahin ang talata sa ibaba,
Marami ang Itinuturing na bayani sa panahong ito. Nariyan ang mga bayaning nagtanggol sa ating bayan laban sa
malulupit na kamay ng mga dayuhan tulad nina Gat Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar at Emillo Aguinaldo. Siyempre pay
hindi puwedeng mawala ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Ngunit sa makabagong panahon, hindi lamang
sila ang itinuturing nating mga bayani. Ang ating mga kapatid na Pilipinong nagtatrabaho sa Amerika, sa Hongkong, sa
Europa, sa Gitnang Silangan at iba't ibang sulok ng mundo, nariyan ang namamayagpag ang galing ng lahing Pinoy. Sila ang
mga bagong bayani ng ating lahi. Ikaw, bayani ka rin ba ng lahi mo?

Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Sino-sino ang mga itinuturing na bayani sa panahong ito?

2. Sino naman ang mga bagong bayani ng ating ating lahi?

3. Saan sila matatagpuan?

4. Bakit sila itinuturing na bayani sa makabagong panahon?

5. Bilang batang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong kabayanihan?​


Sagot :

Answer:

1.Gat Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar, Emilio Aguinaldo at Jose Rizal

2.Mga OFW

3.Amerika, Hongkong, Europa, Gitnang Silangan at sa iba't ibang sulok ng mundo

4.Dahil mas pinili nilang magsakripisyo at magtrabaho sa ibang bansa para sa kanilang pamilya.

5.Bilang isang mag-aaral,tutulungan ko ang mga taong may kailangan ng aking tulong.At kapag ako at nakapagtapos ng pagaaral,pagbubutihin ko ang aking trabaho upang makapagsilbi sa aking kapwa at sa bayan.

Explanation:

Hope it helps :)